
Sa paglagos ng bakal sa aking kalamnan
Ang pait at sakit na dinamdam
Dugong naghalo sa tubig ulan
Kaibigan... ikaw ang nasa isipan.
Kung iyong naaalala, tayo'y laging magkasama,
Sa paglubog at paglitaw, sa problema't kasiyahan.
Alingawngaw ng tawanan at lamig na nararamdaman,
Parusa sa'yo na itinakda,
Aking tinanggap upang ikaw ay makalaya.
Ngunit... kaibigan nasa'n ka na?
Linggo ngayon, 'di ka ba bibisita?
Lamig ng luha ko'y di mo na makikita,
Dahil... ako'y bangkay na...
Kaibigan pa rin ba kita?
1 comment:
a poem written in highschool about the passion of christ and going to mass.
Post a Comment